Mahahalagang impormasyon o puntos patungkol sa Covid-19 at ang relasyon nito sa mga migranteng manggagawa sa loob ng Olandya o Netherlands.
Baka isa ka sa mga biglang nawalan o mawawalan ng trabaho dahil sa Covid-19. Kakailanganin mo bang umuwi? Bago ka umuwi o lumisan, kakailanganin mo munang silipin ang iyong kontrata para sa mga ganitong kaganapan at para na rin masigurado na walang pag-apak sa iyong mga karapatan bilang manggagawa sa bansang ito.
- Sa Olandya o Netherlands, ang mga amo sa ano mang larangan ng gawain ay may obligasyon na maniguro na ikaw ay nagtatrabaho sa isang ligtas na kapaligiran (halimbawa sa kalagayan ngayon nararapat lamang na may magagamit ka na sapat na sabon, tissues at iba pa). Obligado rin ang iyong amo na ipaalam sa iyo kung ano ba ang Covid-19, at kung kinakailangan isangguni ka sa doktor ng kumpanya lalo na kung ikaw ay nakakaramdam ng sakit.
- Kung ikaw ay may mga sintomas ng Covid-19, maaari kang matangihan ng access ng iyong amo sa lugar ng iyong trabaho. Sa ganoong pagkakataon kinakailangan mong matawagan sa telepono ang iyong doktor (huisarts) para maisanguni mo ang iyong mga sintomasa at karamdaman.
- Kung ang aking amo ay humiling na paikliin ang oras ko sa trabaho. Ano ang ibig sabihin noon para sa akin bilang mangagawa o empleyado? Ang iyong amo ay malamang humiling mula sa Dutch Ministry of Social Affairs and Employment na payagan itong para sa mas maikling oras ng pag-gawa. Kapag ito ay naaprubahan, ang UWV ang magbabayad sa ahensya. Babayaran ka pa rin dapat ng buo ng iyong amo o ahensya na may ayuda mula sa WW.
Sa madaling salita, walang nagbago para sa iyo at wala ka ng ibang dapat gawin. - Bago ka umuwi, kailangan na makita mo ang mga bagong impormasyon at mga payo na nilalabas ng ating Kagawaran ng Ugnayan Panlabas. Makikita mo dito ang mga payo ng kagawaran patungkol sa paano at ano ang mga dapat mong sakyan para makauwi. Maaari din na mabigyan ka ng payo at impormasyon ng kagawaran sa ibat-ibang hangganan o borders ng Europa para mapadali ang iyong pag-uwi.
Ikaw ay may sakit (at naka-kuwarentina)
Ang mga panuntunan para sa sakit ay patuloy na mag-aaply sa iyo. Ang mga kahihinatnan nito ay naka-depende sa iyong kontrata:
- Sa kaso na ang iyong kontrata ay may sugnay ng ahensya o “agency clause,” nangangahulugan lamang na nakarehistro ka sa UWV. Ang UWV ang siyang magtatakda o magpapasya kung ikaw ba ay may karapatan para sa mga dagdag na benipisyo. Ang “temporary employment agency”ay nangangailang susugan ng ilang porsyento ang iyong mga benipisyo.
- Para sa mga kontrata na walang “temporary employment clause,” nangangahulugan lamang na kailangan ka pa ring bayaran ng iyong amo kahit na ikaw ay may sakit. Subalit kailangan mong maghintay ng dagdag na isang araw (sa regular na araw ng sahod) para makuha ito.
Ang RIVM (National Institute for Public Health and the Environment) ay nagbigay payo sa pamahalaan Olandes na kailangan pa ng karagdagang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. Panoorin ang kanilang video.
Dagdag babasahin patungkol sa Covid-19 at kalusugan.
Kaligtasan sa Trabaho
- Pinayuhan lahat ng nagtatrabaho sa Olandya o Netherlands na magtrabaho sa kani-kanilang mga tahanan kung maaari.
- Kung ikaw ay kailangan magtrabaho sa labas at makakasalamuha mo ang ibang tao, sundan ang mga patnubay ng RIVM sa kalinisan at layo sa ibang tao na umaabot ng 1.5 na metro.
Kung ikaw ay undocumeneted at humaharap sa posibilidad na magkaroon ng Covid-19
Pinapayuan namin ang mga manggagawang undocumented na makipag-usap sa kanilang mga amo at makipag-ayos o makipag-negotiate na kung maaari ay makapag-sweldo pa rin sila/kayo batay sa napag-kasunduan noon para sa sahod at oras ng iyong pag-gawa. Ayon sa batas, lahat ng manggagawa sa Olandya o Netherlands ay may pantay at parehong karapatan. Tips:
- Ipaliwanag sa inyong mga amo ang hirap ng inyong sitwasyon, na kung di kayo makapagtrabaho ay wala rin kayong kikitain.
- Panatilihin ang mga hakbang sa kaligtasan ayon sa RIVM.
Kung ikaw ay may sakit, may karapatan ka sa sickpay.
Kung ikaw ay walang sakit, at bigla ka na lamang nawalan ng trabaho, tandaan na may karapatan ka pa rin sa sahod katulad ng ibang manggagawa sa Olandya o Netherlands.
Huwag mag-atubiling kumontak sa FairWork lalo na kung ito ay patungkol sa iyong mga karapatan bilang manggagawa sa Olandya o Netherlands
Ang aming payo ay walang bayad at pangangalagaan namin ang inyong privacy. Kumontak sa FairWork